Minsan, umupo ako at nagsimulang tumugtog para patunayan sa mga anak kong mahusay pa rin akong tumugtog ng piano. Nagulat ako na kayang-kaya ko pa rin pa lang tumugtog kahit dalawang dekada na akong hindi halos tumutugtog. Nagpatuloy ako at halos pitong kanta ang natugtog ko. Ang paglalaan ko ng maraming taon sa pageensayo sa pagtugtog ang nagbigay sa mga daliri ko ng memorya para muling makatugtog ng piyano.
May mga bagay talaga na hindi malilimutan. Isa rito ang pagmamahal ng Dios sa atin. Walang hanggan at limitasyon ang Kanyang pagmamahal. Ito ang kailangang ipaalala sa mga Israelita noong ipatapon sila. Pakiramdam kasi nila’y iniwan na sila ng Dios (ISAIAS 49:14). Ito ang sinabi Niya sa pamamagitan ni Isaias: “Pero Ako, hindi makakalimot sa inyo!” (TAL. 15). Higit pa sa pagmamahal ng isang ina sa anak niya ang dakilang pagmamahal ng Dios sa Kanyang bayan.
Para patunayan pa ang Kanyang pagmamahal sa kanila, sinabi ng Dios, “Isinulat Ko ang pangalan mo sa Aking mga palad” (TAL. 16). Isang magandang larawan ang sinabing iyon ng Dios na lagi Niyang naaalala ang mga anak Niya.
Kung minsan, naiisip nating tila nakalimutan at pinabayaan na tayo ng Dios. Pero isang magandang paalala na “nakasulat” na tayo sa mga kamay ng Panginoon. Hindi Niya makakalimutan at papabayaan tayong mga Anak Niya.