Isang grupo ng mga sumasampalataya kay Jesus sa Southern California ang nagsama-sama sa isang laundry shop para ipaglaba ang mga kapus-palad sa kanilang lugar. Nagaabot din sila ng mga pagkain o mga grocery sa mga tao bilang tulong. Nais nilang maipakita ang pagmamahal ng Dios sa mga ito.
Isa sa mga kasamahan nila ang nagsabi na ang pinakamagandang gantimpala na natanggap niya sa pagtulong ay ang makasalumuha ang mga tao at mapakinggan ang mga kuwento nila. Nais ng mga mananampalatayang ito na maisapamuhay ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng salita at gawa nang may pagmamahal.
Sa Biblia, nabanggit ni Apostol Santiago na bunga ng pananampalataya ng isang taong nagtitiwala sa Dios ang bawat mabuting gawa niya. Sinabi niya, “ang pananampalaya, kung hindi kinakikitaan ng mabuting gawa, wala itong kabuluhan (SANTIAGO 2:14-17). Nagiging anak tayo ng Dios sa pamamagitan ng ating pananampalataya pero mapapatunayan naman natin ito kung pinaglilingkuran natin ang Dios sa pamamagitan ng paglilingkod sa ating kapwa (TAL. 24). Palaging magkasama ang pananampalataya at gawa (TAL. 26). Isa itong magandang pagpapakita na kumikilos ang Dios sa mga buhay natin.
Nararapat na ipamuhay natin ang pananampalataya at pagmamahal natin sa Dios. Sa paglilingkod at pagtulong sa iba, naipapahayag natin ang dakila Niyang sakripisyo para sa atin.