Araw-araw maagang nagpapahatid sa paaralan si Stephen sa kanyang mga magulang. Pero hindi niya sinasabi sa kanyang magulang kung bakit mahalagang makarating siya ng 7:15 ng umaga sa kanilang paaralan.
Noong mga panahon ding iyon, nasangkot si Stephen sa isang aksidente na naging sanhi ng kanyang pagkasawi. Sa pangyayaring ito, nalaman ng mga magulang ni Stephen ang dahilan kung bakit siya pumapasok ng maaga. Nagtitipon pala sa harap ng paaralan sina Stephen at ang kanyang mga kaibigan. Masaya nilang sinasalubong nang pagngiti, pagkaway o pagsambit ng mga salitang nakakapagpalakas ng loob ang bawat estudyante. Kaya naman, pakiramdam ng mga estudyante lalo na iyong mga hindi masyadong napapansin sa eskuwela na mahalaga sila.
Bilang sumasampalataya kay Jesus, nais ni Stephen na iparamdam ang kagalakan na nagmumula kay Jesus sa mga taong higit na nangangailangan nito. Magagawa rin natin ito sa pamamagitan ng pagpapadama sa iba ng kabutihan at pagmamahal ni Jesus. Magningning nawa tayo bilang isang ilaw na nagbibigay liwanag sa mga taong naghahanap ng pagmamahal ni Jesus.
Ipinahayag naman ng Panginoong Jesus sa Mateo 5 na sa pamamagitan Niya tayong mananampalataya ay “nagsisilbing ilaw sa mundo” (TAL. 14). Piliin din natin na huwag itago ang liwanag na ito. Sa halip, magliwanag “sa lahat ng nasa bahay” (TAL. 15).
At kung “Pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw sa mga tao” (TAL.16), mararanasan nila ang buong pusong pagmamahal ng Panginoong Jesu-Cristo.