Minsan, nakaranas ng panghihina ng katawan si Louise sa istasyon ng tren. May sakit kasi siyang tinatawag na muscular dystrophy. Kaya naman, halos maiyak siya sa taas ng hagdan na kanyang lalakarin. Gayon pa man, may isang lalaki na bigla na lamang dumating at tinulungan si Louise na umakyat ng hagdan. Bago pa man makapagpasalamat si Louise, nawala na ang lalaki.
Nagkaproblema naman ang gulong ng sasakyan ni Michael. Huli na siya sa kanyang pupuntahang pulong at pagod na. Gayon pa man, may isang lalaki ang tumulong sa kanya. Kinuha ang reserba niyang gulong at pinalitan ang nasirang gulong. Bago pa man makapagpasalamat si Michael, nawala na ang lalaki.
Sino ang mga misteryosong tao na tumulong sa kanila? May pakpak naman at mga nagniningning na mga nilalang ang pagkakaalam natin tungkol sa mga anghel. Totoo naman ang mga ito (TINGNAN ANG ISAIAS 6:2; MATEO 28:3). Pero hindi lahat, dahil may iba namang anghel na maalikabok ang mga paa at handang makisalo para kumain (GENESIS 18:1-5). Mayroon ding napagkamalang isang ordinaryong tao lamang (HUKOM 13:16). Kaya naman, sinabi nang sumulat ng Hebreo na mabuti ang magpa-tuloy sa dayuhan, dahil baka mga anghel na pala ang mga ito (13:2).
Hindi natin masisigurado kung anghel nga ang tumulong kanila Louise at Michael. Gayon pa man, sinasabi sa Biblia na totoong may anghel. Naglilingkod sila sa Dios at tumutulong sa mga taong nagtitiwala sa Dios (HEBREO 1:14). Minsan naman, mga ordinaryong tao sila na nakikita at nakakasalubong natin sa daan.