Noong 12 taon pa lang, ang ngayong kilalang gumagawa ng tula na si Denise Levertov ay nagpadala siya ng sulat sa tanyag na si T.S. Elliot. Naghintay si Denise sa magiging sagot ni Elliot. Namangha si Denise dahil nagpadala si Elliot ng dalawang pahina ng liham na nakapagbigay ng lakas ng loob kay Denise. Sa tula na The Stream and the Sapphire na ginawa ni Denise, makikita kung paano nagtitiwala si Denise sa Panginoong Jesus. Nabanggit niya rin sa kanyang tula kung paano naghintay ang Dios na magtiwala si Maria na ina ni Jesus. Nagpapahayag ang tulang iyon ni Denise na naghihintay ang Dios sa atin.
Nailalarawan naman ng kuwento ni Maria ang buhay ni Levertov kung paano naghintay ang Dios na mapalapit sa Kanya si Denise. Hindi rin minadali ng Dios si Denise kahit sabik na Siyang mahalin ito. Tulad din naman ng pagsasalaysay ni Propeta Isaias sa kung gaano kahanda at kasabik ang Dios upang maiparamdam ang Kanyang pagmamahal sa Israel.
Sinabi ni Isaias, “Naghihintay ang Panginoon na kayo’y lumapit sa Kanya para kaawaan Niya. Nakahanda Siyang ipadama sa inyo ang Kanyang pagmamalasakit” (ISAIAS 30:18). Handa ang Dios na ibuhos ang Kanyang kabutihan at pagmamahal. Gayon pa man, naghihintay ang Dios na kusang tanggapin ng mga Israelita ang Kanyang iniaalok (TAL. 19).
Nakakamanghang isipin na matiyagang naghihintay sa atin ang Dios. Siya na ating Dakilang Manlilikha at ating Tagapagligtas na naghihintay sa ating pagbabalik sa Kanya. Siya na banal na Dios ay naghihintay sa atin na tanggapin Siya upang maipadama sa atin ang lubos Niyang pagmamahal.