Isinalarawan ni Wallace Stegner sa isang sulat ang pagiging mabuting tao ng kanyang namayapang ina. Gayundin ang pagbibigay ng lakas ng loob kanyang ina sa iba. Naalala pa ni Wallace ang lakas sa tinig ng kanyang ina. Hindi rin nakakalimot at laging nakakahanap ng pagkakataon ang kanyang ina na kumanta ng papuri para sa mga biyayang ipinagkakaloob sa kanya ng Dios. Maliit man o malaki ito.
Lagi rin namang naghahanap ng pagkakataon na umawit ng papuri sa Dios ang sumulat ng Salmo 146 sa Lumang Tipan ng Biblia. Kumakanta siya sa tuwing masaya o kahit malungkot. Ang pagkanta ng papuri na bukal sa puso ay likas na tugon sa Dios na “Siyang gumawa ng langit at lupa (SALMO 146:6). Umaawit tayo nang may pagpapasalamat dahil “binibigyan [Niya] ng pagkain ang mga nagugutom” (TAL. 7) at “pinagagaling ang mga bulag para makakita” (TAL. 8).
Gayundin naman, “tinutulungan [ng Dios] ang mga ulila at mga biyuda” (TAL. 9). Magandang maging bahagi ng ating pamumuhay ang mga awit na nagpapalakas ng loob sa atin. Ilagak natin ang ating pagtitiwala sa “Dios ni Jacob” na siyang “mananatiling tapat magpakailanman” (TAL. 5-6).
Hindi naman batayan ang ganda ng boses sa pag-awit para makapagpuri sa Dios. Sa halip, kung isinasapamuhay natin ng taos-puso ang pagpaparangal at pagpupuri sa ating Dios, tunay na nagagalak ang Dios.