Simula nooong maibento ang orasang pinapatakbo ng kuryente, marami na ang nabago. Kaya parang napakabilis na ang takbo ng buhay. Kahit ang simpleng paglalakad lang ay kailangang mabilisan na. Ganito ang nangyayari sa malalaking siyudad at may masamang epekto raw ito sa kalusugan ng tao. Sinabi naman ng isang dalubhasa, “Pabilis nang pabilis ang takbo ng pamumuhay. Ito ang nag-uudyok sa atin na isipin na dapat mangyari na ngayong oras ang lahat ng ating gustong gawin.”
May maganda namang pagbubulay tungkol sa oras si Moises nang isulat niya ang Salmo 90 ng Biblia. Ipinapaalala ni Moises sa atin na ang Dios ang may kontrol sa oras ng ating buhay. Sinabi ni Moises, “Ang 1,000 taon sa amin ay parang isang araw lang na lumipas sa Inyo, o parang ilang oras lang sa gabi ” (SALMO 90:4).
Ang sikreto sa wastong pamamahala sa oras ay hindi sa kung mabilis o mabagal ang iyong paggamit dito. Sa halip, kung paano mo ito ginagamit para sa Dios. Mahalagang maglaan tayo ng oras sa ating mahal sa buhay. Pero mahalagang unahin natin ang Dios na Siyang lumikha sa atin (SALMO 139:13) at nakakaalam ng ating ninanais at pinaplano (TAL. 16).
Pansamantala lamang ang ating buhay dito sa mundo. Gayon pa man, magagamit natin ito nang tama, hindi sa pamamagitan ng pagbantay sa oras kundi sa paggugol natin dito para sa ikaluluwalhati ng Dios. Humingi tayo ng gabay sa Dios tulad ng dalangin ni Moses, “Ipaunawa N’yo sa amin na ang buhay namin ay maiksi lang, upang matuto kaming mamuhay nang may karunungan” (90:12).