Laging naghahanap ng pagkakataon ang photographer na si Warren Faidley na makakuha ng larawan ng bagyo. Kaya naman, tinagurian siyang “Manghahabol ng Bagyo.” Sinabi ni Warren, “Ang pagiging nasa tamang lugar at oras kung nasaan mismo ang hagupit ng bagyo ay nagdudulot ng kakaibang karanasan. Lalo na habang iniilagan mo ang bawat paglipad ng maliliit na yelo at pinagmamasdan ang mga malalaking traktura na nakalutang at tinatangay ng malakas na hangin.”
Namamangha ako sa kanyang katapangan at dedikasyon upang makakuha ng larawan sa panahon nang bagyo.
Sa akin namang karanasan, hindi ko kailangang habulin ang bagyo ng buhay, parang ako ang hinahabol at binabayo nila ng mabibigat na problema. Mailalarawan naman nang bagyong iyon ang karanasan nang sumulat ng Salmo 107. Dahil sa kanyang mga maling desisyon na nagbunga ng mahihirap na sitwasyon para na raw siyang nasa gitna ng bagyo at hindi na makaalis. Pero sinabi sa Salmo, “Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon, at sila’y iniligtas Niya mula sa kapahamakan. Pinatigil Niya ang malakas na hangin at kumalma ang dagat. At nang kumalma ang dagat, sila’y nagalak, at pinatnubayan sila ng Dios hanggang sa makarating sila sa nais nilang daungan” (107:28-30).
Anuman ang ating nararanasang bagyo sa buhay, tayo man ang dahilan o ang ibang tao, maaasahan natin ang pagtulong ng Dios. Bibigyan Niya tayo ng kapayapaan sa gitna ng pagharap natin sa matitinding pagsubok na parang malakas na bagyong bumabayo sa atin.