“Sinisira ng galit ang taong nagkikimkim nito.” Sinabi ito ni Senador Alan Simpson sa burol ng kanyang kaibigang si George H. W. Bush na ika-41 na presidente ng U.S. Inalala ni Simpson ang pagiging mapagmahal nito sa kapwa. Pinipili ni George na magpatawad kaysa sa magkimkim ng galit sa iba.
Sumasang-ayon naman ako sa sinabi ni Simpson. Naranasan ko na rin kasi ang masamang naidulot ng pagkimkim sa galit
Ayon naman sa mga dalubhasa, malaki ang naidudulot na pinsala sa ating katawan ang pagkikimkim ng galit.
May napansin din naman si Haring Solomon tungkol sa galit. Sinabi niya, “Ang galit ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan” (KAWIKAAN 10:12). Ang pagkapoot ang nagtutulak sa tao na maghiganti. Kaya naman, hindi nagkakaunawaan ang taong puro galit at paghihiganti ang nilalaman ng puso.
Hinihikayat naman tayo ng Dios na magpatawad at mahalin ang nakagawa ng masama sa atin. Pero hindi ibig sabihin na palalampasin na lang ang kanilang mga nagawang kasalanan. Matuto tayong magpatawad kaysa sa gumanti lalo na sa taong lubos na nagsisisi sa kanilang maling nagawa. Kung hindi man magsisi ang taong nakasakit sa atin, idulog natin ito sa Dios. Humingi tayo ng tulong sa mapagmahal na Dios na humihikayat sa atin na, “kung mahal mo ang kapwa mo, mapapatawad mo siya kahit gaano pa karami ang nagawa niyang kasalanan” (1 PEDRO 4:8).