Bago ako magtiwala sa Panginoong Jesus, may mga tanong ako noon tungkol sa kung paano ako mapapatawad. Ang alam ko kasi noon na tao lamang si Jesus at hindi Dios. Nalaman ko rin noon na marami palang hindi nagtitiwala kay Jesus ang ganito ang pananaw. Pero nagbago ang pananaw ko nooong mabasa ko ang libro na ‘Knowing God’ na isinulat ni J. I Packer. Sinabi ni Packer, “Si Jesus ay ang Dios na nagkatawangtao.” Ito ang katotohanan kung bakit naging posible na maligtas tayo sa kaparusahan sa kasalanan.
May sinabi naman si Apostol Pablo tungkol sa pagiging Dios at tao ni Jesus. Sinabi ni Pablo, “Si Cristo ang larawan ng di-nakikitang Dios, at Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha.” Ipinapahayag ni Pablo na si Jesus ang tunay at perpektong Dios na ating Manlilikha at Tagapagtaguyod ng kaayusan sa buong sangnilikha ay isa ring ganap na tao (COLOSAS 1:15-17).
Dahil sa katotohanang ito, mayroon tayong pag-asa na maililigtas tayo ni Jesus sa kaparusahan sa kasalanan. Sa pag-aalay ni Jesus ng Kanyang buhay sa krus at sa Kanyang pagkabuhay muli, naipagkasundo Niya ang tao sa Dios (TAL. 20-22).
Tunay na kamangha-mangha ang pag-ibig ng Dios Ama na Kanyang ipinahayag ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Dios Anak na si Jesus. At patuloy Siyang kumikilos sa buhay ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios Espiritu. Kaya naman, maliligtas lahat ng magtitiwala kay Jesus na siyang ating Emmanuel – kasama natin ang Dios.