May isang uri ng pagong na kapag malapit na ang taglamig, lumulusong siya sa ilalim ng maputik na bahagi ng lawa. Nagtatago siya sa kanyang talukab at dahan-dahang bumabagal ang pagtibok ng kanyang puso. Bumababa rin ang kanyang temperatura hanggang sa magyelo ang buo niyang katawan. Matiyaga siyang naghihintay hanggang sa matapos ang panahon ng taglamig. Anim na buwan, siyang na ganoong kalagayan.
Pero kapag natapos na ang panahon ng taglamig at natunaw na ang mga yelo sa paligid, muli siyang aahon nang sa gayon makalanghap ng sariwang hangin. Muli ring mabubuo ang kanyang mga buto at mararamdaman niyang muli ang init ng sinag na araw.
Naalala ko naman sa pagong na iyon ang tungkol sa matiyagang paghihintay sa Dios nang sumulat ng Salmo sa Biblia. Sinabi ng sumulat na parang nasa malalim at maputik na balon siya dahil sa mga pagsubok na kanyang nararanasan pero tinulungan siya ng Dios (SALMO 40:2). Iniahon siya ng Dios sa putikan na kanyang kinalalagyan at binigyan ng maayos na kalagayan. Kaya naman, umawit siya ng papuri sa Dios, “Kayo ang aking Tagapagligtas. Aking Dios, agad N’yo akong tulungan” (T. 17).
Gayon din naman, maaaring matagal na tayong naghihintay ng pagbabago sa ating buhay. Naghihintay tayo na umunlad ang ating negosyo, maging maayos ang nasirang nating relasyon, o makalaya na sa mahirap na sitwasyon na ating kinalalagyan. Magandang paalala sa atin ang buhay ng pagong at ng sumulat ng Salmo na magtiwala sa Dios. Lagi Siyang handang tumulong at iligtas tayo sa sitwasyong ating kinahaharap.