“Sa oras ng trahedya o aksidente binibigyan tayo ng pagkakataon na magpakita ng kagandahang-loob o maghiganti,” ito ang sinabi ni Pastor Erik Fitzgerald. Sinabi pa niya, “Pinili kong magpakita ng kagandahang-loob.” Namatay kasi ang asawa ni Pastor Erik. Binangga ang sasakyan ng asawa niya ng isang nakatulog na bumbero dahil sa sobrang pagod ito. Nang tanungin si Erik tungkol sa kung papatawan ba ng mabigat na parusa ang bumbero, pinili ni Erik na magpatawad. Sa huli, naging magkaibigan pa sila ng bumbero.
Isinabuhay naman ni Pastor Erik ang kagandahang-loob na kanyang nakamit mula sa Dios na nagtawad din sa kanyang mga nagawang kasalanan.
Nagpupuri naman si Propeta Micas sa Dios sa pagpapa-tawad sa mga nagagawa nating mga kasalanan (MICAS 7:18). Gumamit si Propeta Micas ng mga paglalarawan upang ipakita kung hanggan saan ang kayang gawin ng Dios para patawarin tayo. Aalisin ng Dios ang ating mga kasalanan at itatapon ito sa kalaliman ng dagat (TAL. 9). Nakatanggap ng kagandahang-loob ang bumbero noong araw na iyon na naging daan upang magtiwala siya sa Panginoong Jesus.
Anuman ang pagsubok na ating pinagdaraanan, alam natin na laging handang tumulong ang Dios sa atin. Lalo na sa panahong nakakagawa tayo ng kasalanan. Hindi kasi nananatiling galit ang Dios kundi ikinagagalak Niyang mahalin tayo (T. 18). Kaya naman, tayong mga nakatanggap ng kagandahang-loob ng Dios ay may kakayahan na magpakita rin ng kagandahang-loob at pagpapatawad sa mga taong nakasakit sa atin.