Kilala sa mga kapilyuhan ang sikat na pintor na si Banksy. Isa sa kilala niyang ipininta ang Girl with Balloon na binili sa isang subastahan ng mahigit na 1 milyong dolyar. Pero pagkatapos sabihin ng namamahala sa subastahan na ‘Sold’, bigla nalang dahan-dahang bumaba ang larawan mula kuwadro na kinalalagyan nito. Huminto naman sa kalagitnaan ang larawan pero may mga pilas na ito. Mayroon palang inilagay si Bansky na shredder sa loob ng kuwadro ng larawan kaya ito napilas. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nagpost sa social media si Banksy ng reaksyon ng mayamang bumili ng kanyang ipininta. Napakalaking halaga ang parang sinayang ni Bansky. Pero, balewala lang iyon sa kanya.
May sinabi naman ang Dios tungkol sa kayamaman, “Huwag mong pagurin ang sarili sa pagpapayaman; pag-aralan mong umiwas doon. Sapagkat madaling mawala ang kayamanan, ito’y simbilis ng agila sa paglipad sa kalawakan” (KAWIKAAN 23:4-5 mbb).
Maraming dahilan naman para mawala o maubos ang pera na mayroon tayo. Napakahirap nitong kitain pero mabilis lang mawala. Marami kasi tayong bayarin. Puwede ring malugi ang ating negosyo. Gaano man natin pagkaingatan ang ating kayaman, sa isang iglap ay maaari itong mawala dahil sa magnanakaw, sunog o baha.
Ano ang kailangan nating gawin? May ipinayo ang Dios sa dapat nating gawin. Sinabi Niya, “Huwag kang maiinggit sa mga makasalanan, sa halip igalang mo ang Panginoon habang nabubuhay ka…gaganda ang kinabukasan mo at mapapasaiyo ang mga hinahangad mo” (T. 17-18). Ilaan natin ang ating buhay sa Dios.