Maliit na babae si Nora pero hindi siya natakot sa malaki at palabang babae na si Bridget. Hindi masabi ni Bridget kung bakit naroroon siya sa isang lugar kung saan pumupunta ang mga kababaihang nais ipalaglag ang sanggol sa kanilang sinapupunan. Kaya naman, nagtanong si Nora kung nais ba talaga niyang ipalaglag ang bata pero tumalikod si Bridget at nagnanais nang umalis.

Bago pa makaalis si Bridget, hinarangan ni Nora ang pintuan. Sinabi ni Nora kay Bridget, “Maaari ba kitang yakapin at idalangin bago ka umalis?” Walang pang yumakap kay Bridget na ang intensyon ay pagmalasakitan siya. Pagkatapos, bigla nalang tumulo ang mga luha ni Bridget habang yakap siya ni Nora.

Sa ginawang iyon ni Nora, makikita ang nilalaman ng puso ng Dios kung paano Niya iniibig ng wagas ang mga Israelita (JEREMIAS 31:3). Pinarusahan noon ang mga Israelita dahil sa kanilang patuloy na pagsuway sa Dios. Gayon pa man, sinabi ng Dios, “Sa kagandahang-loob Ko, pinalapit Ko kayo sa Akin. Muli Ko kayong itatayo” (T. 3-4).

Marami siguro sa atin ang makakaugnay sa buhay ni Bridget. Kung walang nagpakita sa kanya ng tunay na pagmamahal, maaaring hindi niya maiisip na mapagmahal ang Dios. Iisipin lang din ni Bridget na hahatulan lang siya ng mga mananampalataya sa kanyang maling ginawa. Tunay na hindi palalampasin ng Dios ang mga kasalanan nating nagagawa. Pero, asahan natin na minamahal pa rin tayo ng Dios sa kabila noon. Malugod Niyang tinatanggap ang mga nagsisisi at nagtitiwala sa Kanya.