Habang naglalakad ang manunulat na si Martin Laird, lagi niyang nakakatagpo ang isang lalaki na may dalang apat na aso. Napansin din ni Martin na ang tatlong aso ay masayang tumutakbo sa bukid. Samantala ang isa ay naiwan malapit sa lalaki at nagpapa-ikot-ikot lang sa lugar niya. Lumapit si Martin sa lalaki at tinanong kung bakit ganoon ang ginagawa nang isang aso. Paliwanag naman ng lalaki na matagal na sinanay ang asong iyon at halos buong buhay niya na nasa kulungan lang siya.
Sinasabi rin naman sa Biblia na parang mga nakakulong din tayo at walang pag-asa maliban na lang kung ililigtas tayo ng Dios sa kalagayang iyon. Sinabi ng sumulat ng Salmo, “Ang kamataya’y parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking dadaanan” (SALMO 18:4-5). Nakakulong at nakagapos habang humihingi siya ng tulong sa Dios (T. 6). Sinabi pa ng sumulat na iniligtas siya ng Dios, “Mula sa langit ako’y inabot N’yo at inahon mula sa malalim na tubig” (T. 16).
Magagawa rin naman ng Dios na iligtas tayo sa lugmok nating kalagayan. Kaya Niya tayong alisin sa sitwasyon na parang gumagapos at kumukulong sa atin. Palalayain tayo ng Dios at dadalhin sa “lugar na walang kapahamakan” (T. 19).
Nakakalungkot kung patuloy tayong mananatiling mamumuhay sa kasalanan na parang kulungan na di tayo makalabas. Kung magtitiwala tayo kay Jesus, ililigtas Niya tayo sa kaparusahan sa kasalanan. Hindi na rin tayo magagapos ng pagkatakot, kahihiyan o pang-aapi. Malaya na tayo dito sa tulong ng Dios na lagi nating kasama.