Hindi nakapagtataka na nakatanggap ng parangal na Nobel Peace Prize si Mother Teresa. Natanggap niya kasi ang parangal na iyon dahil sa mga tinulungan niya. Pinakain niya ang mga nagugutom, binihisan ang walang maisuot, inalagaan ang mga bulag, may ketong at mga taong isinasantabi ng lipunan.
Si Jesus naman ang perpektong halimbawa ng pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa mga tao, anuman ang katatayuan nito sa lipunan. Hindi tulad ng mga pinuno ng mga Judio noon na binibigyang halaga ang pagsunod sa Sabbath kaysa sa tumulong sa may sakit (LUCAS 13:14). Nang makita ni Jesus ang isang babae na may sakit, nahabag Siya rito. Kaya naman, tinawag niya ang babae at sinabi ni Jesus na magaling na siya. “Pagkatapos, ipinatong [ni Jesus] ang mga kamay Niya sa babae, at noon din ay naituwid ng babae ang kanyang katawan at nagpuri siya sa Dios” (T. 13).
Sa ginawang iyon ni Jesus na pagpapagaling sa babae, nagalit ang mga pinuno ng Judio dahil araw iyon ng Sabbath. Pinili ni Jesus ang Panginoong ng Sabbath (LUCAS 6:5), na pagaling ang babae na 18 taon nang may sakit.
Gaano kadalas natin makita ang mga taong para sa atin ay hindi nararapat na pakitaan ng habag? O kaya naman tayo ang hindi kinaawaan dahil iniisip ng iba na hindi tayo karapat-dapat sa paningin nila. Huwag nawa tayong matulad sa mga relihiyosong walang pakialam sa tao kundi sa batas lamang ng kanilang kinaaanibang relihiyon. Tularan natin ang halimbawa ni Jesus at tulungan natin ang mga nangangailangan nang may kahabagan, pagmamahal at dignidad.