Nang sumiklab ang debate sa isang kontrobersyal na batas sa bansang Singapore, maraming nagtiti-wala kay Jesus ang hati ang pananaw tungkol dito. Nagkaroon na rin ng palitan ng mga hindi magandang salita tulad ng pagsasabi na ‘makitid ang isip mo’ o iba pang pag-aakusa. Maaaring magdulot ng pagkabaha-bahagi sa pamilya ng Dios ang pagkakaroon ng magkaibang pananaw. Maaari din itong makapagpahina ng loob ng iba.
Sa tingin ko, nagsisimula ang problema hindi dahil sa magkaiba ang pananaw ng dalawang panig, kundi sa kung paano natin ipinapahayag ang ating mga saloobin sa ating kausap. Hindi nga lang ba tayo sumasang-ayon sa pananaw nila o nais lang natin na sila’y umayon sa ating pananaw?
May pagkakataon naman na kailangan nating sagutin ang mga nagtuturo ng mali o ipaliwanag ang ating pinaninindigan. Ipinapaalala sa atin ni Apostol Pablo na sa tuwing dumating ang pagkakataong iyon, gawin natin ito nang may kahinahunan, pagpapakumbaba at pagmamahal (EFESO 4:2-6). At higit sa lahat, “sikapin nating mapanatili ang pagkakaisa n’yo mula sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mapayapang ninyong pagsasama” (T. 3).
May mga usapin na hanggang ngayon ay hindi nabibigyan ng solusyon. Kaya naman, hinihikayat tayo ng Biblia na ang ating mga sinasabi ay makabubuti at kapaki-pakinabang sa nakakarinig (T. 29). Humingi tayo ng tulong sa Dios na ipaunawa sa atin ang mga prinsipyo at katotohanan sa mula sa Kanyang Salita. Tandaan din natin na tayo’y magkakapatid kay Cristo Jesus (T. 4-6).