Noong 2018 World Cup, nanalo ang koponan ng Colombian matapos makapuntos sa huling bahagi si Radamel Falcao. Sa pangyayaring iyon tinagurian din siyang manlalaro na may pinakamaraming nagawang puntos na mula sa Colombia.
Lagi namang ipinapahayag ni Falcao ang kanyang pagtitiwala sa kay Jesus sa tuwing may laro sila ng soccer. Madalas niyang ring itinataas at ipinapakita ang kanyang damit sa tuwing nakakapuntos. Nakasulat sa damit niya ang salitang “Con Jesus nunca estara solo” na ang ibig sabihin “Dahil kay Jesus, walang sinuman ang mag-iisa.”
Ang mga sinabing iyon ni Falcao ay tunay na ipinangako ni Jesus, “At tandaan ninyo: lagi ninyo Akong kasama hanggang sa katapusan ng mundo” (MATEO 28:20). Alam ni Jesus na babalik na Siya sa langit. Kaya naman, pinalakas ni Jesus ang loob ng mga alagad Niya sa pagbibigay sa kanila ng katiyakan lagi Niya silang kasama sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (T. 20; JUAN 14:16-18). Ang Banal na Espiritu ang magpapalakas ng loob nila, gagabay, poprotekta at magbibigay sa kanila ng kakayahan upang maipahayag nila ang tungkol kay Jesus sa lahat ng dako. Kung makaramdam man ang mg aalagad ng matinding kalungkutan sa lugar na hindi sila pamilyar, ang Banal na Espiritu ang magpapaalala na kasama nila si Jesus.
Kung nagtitiwala tayo kay Jesus, kailanman ay hindi tayo mag-iisa kahit saanman tayo magpunta. Kahit makaranas tayo ng matinding kalungkutan, ipapaalala sa atin ni Jesus na Siya ay kasama natin at palalakasin Niya ang ating loob.