Tinawagan at tinext ni Carla ang kapatid niya. Nakatayo siya sa labas kung saan nagtatago ang kapatid niya. Pinipilit ni Carla na tumugon ang kapatid niya. Nakaranas ng matinding kalungkutan ang kapatid niya kaya nagpumilit itong lumayo at magtago. Sa pagnanais na tulungan ang sitwasyon ng kapatid niya, bumili si Carla ng mga paboritong pagkain nito. Sinamahan ito ni Carla ng mga talata mula sa Biblia. Pinilit ipasok ni Carla ang mga ito sa bakod ng tahanan ng kapatid niya.
Nang binababa na ni Carla ang mga dala niya, nahulog ang mga ito mula sa kamay niya. Tumama ang mga ito sa bakod at nasira. Tila nawalang saysay ang pagmamalasakit at pagmamahal na ipinakita ni Carla sa kapatid niya. Mapapansin kaya ng kapatid niya ang mga inihanda niyang pagkain? Maiisip kaya ng kapatid niya ang pagmamahal nito para sa kanya? Agad na nanalangin si Carla para sa pagbuti at paggaling ng kapatid niya.
Nagpakita rin ang Dios ng dakilang pagmamahal sa atin. Ipinadala Niya ang bugtong Niyang Anak na si Jesus para maging kabayaran ng mga kasalanan natin. Ayaw Niya tayong mapahamak (JUAN 3:16). Dakila ang pagmamahal ng Dios sa atin. Hinulaan na ni Propeta Isaias sa Lumang Tipan ang dadanasin ni Cristo sa krus (53:5). Si Jesus ay “sinugatan dahil sa ating mga pagsuway... binugbog dahil sa ating kasamaan.” Ang hirap na dinanas Niya sa krus ang magbibigay kagalingan sa mga kasalanan natin. Inako ni Jesus ang lahat ng pagkakasala natin (TAL. 6).
Matinding sakripisyo ang dinanas ni Cristo sa krus para sa natin. Tunay na dakila ang pag-ibig Niya. Ano ang kahalagahan sa iyo ng dakilang ginawa Niya?