Napakatagal kong nanirahan kasama ang nanay ko kaya siya na ang nagdesisyon na umalis! Ito ang mga salitang sinabi ni KC noong hindi pa niya nakikilala si Jesus. Aminado si KC sa mga maling gawi niya noon tulad ng pagnanakaw sa pamilya niya para bumili ng ipinagbabawal na gamot. Pero hindi na iyan ang buhay ngayon ni KC. Matagal na siyang nakalaya mula sa pagkakalulon sa mga masasamang gawain. Nagtitipon kami ni KC para mag-aral ng salita ng Dios. Isa na siyang bagong tao dahil kay Cristo.
Sa Biblia rin naman ay may tinutukoy na isang taong nabago. Sa Marcos 5:15, may isang lalaking sinaniban ng masamang espiritu. Bago siya mapalaya mula rito, isa siyang kaawa-awa, walang pag-asa, walang tirahan, at desperadong nilalalang (MGA TAL. 3-5).
Pero nabago ang lahat ng ito nang palayain siya ni Jesus (TAL. 13). Mayroon din namang mga tao sa ngayon ang patuloy na nakakaranas ng paghihirap at kawalang pag-asa. Namumuhay silang mag-isa, malungkot, at malayo sa mga tao.
Mahirap man ang mga dinaranas natin sa ngayon, palagi nating tatandaan na mayroon tayong Panginoon na tunay na mapapagkatiwalaan. Kaya Niyang pawiin ang malulungkot nating mga karanasan. Kaya Niya tayong palayain sa mga mahihirap na sitwasyon na kinabibilangan natin. Katulad ni KC at ng taong sinaniban ng masamang espiritu, palaging bukas ang mga kamay ng Dios para sa mga taong nais lumapit sa Kanya ngayon (TAL. 19).