Namuhay ang mga magulang ko sa panahon ng Great Depression. Napakahirap ng pamumuhay nila noo. Dahil dito, natuto silang magsumikap at maging mabuting katiwala ng mga kaloob ng Dios. Hindi sila sakim. Pinagkaloob nila ang panahon, kakayahan, at kaloob nila sa simbahan at mga taong nangangailangan. Tunay na mahusay ang paghawak nila ng salapi na kaloob sa kanila ng Dios. Nagbibigay sila ng bukal sa puso.
Dahil ang mga magulang ko ay nagtitiwala kay Jesus, sinunod nila ang sinabi ni Apostol Pablo, “Ang mga taong naghahangad yumaman ay nahuhulog sa tukso, sa isang bitag ng mapanira at walang kabuluhang mga hangarin na nagdadala sa kanila sa kapahamakan” (1TIMOTEO 6:9). Ito ang bilin ni Pablo kay Timoteo, isang batang pastor sa lungsod ng Efeso.
Idinagdag din ni Pablo na ang “Pag-ibig sa salapi ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan.” Nagbigay siya ng babala, “Ang sobrang paghahangad ng salapi ang nagtulak sa iba na tumalikod sa pananampalataya at nagdulot ng maraming paghihinagpis sa buhay nila” (TAL. 10).
Ano na ngayon ang kasagutan laban sa kasakiman? “Maging mayaman sa harapan ng Dios” (LUCAS 12:13-21). Nararapat na unahin natin ang Dios sa anumang bagay sa mundo. Ayon din sa sumulat ng Salmo, “Tuwing umaga’y ipadama N’yo sa amin ang Inyong tapat na pag-ibig, upang umawit kami nang may kagalakan at maging masaya habang nabubuhay” (SALMO 90:14).
Nararapat na maging mayaman tayo sa gawain para sa Dios. Ito ang magtuturo sa ating maging kontento sa lahat ng bagay.