Noong Enero 1943, may napakainit na hangin ang dumapo sa Spearfish South Dakota. Agad tumaas ang temperatura mula sa -4o sa 45oF (mula -20o sa 7oC). Ang hindi inaasahang pagbabago ng panahon ay naganap lamang sa loob ng dalawang minuto. Ang pinakabiglaang pagbabago sa panahon na naganap sa Amerika sa loob lamang ng isang araw ay umabot sa 103o.
Hindi lamang sa mga panahon at temperatura nagkakaroon ng mga hindi inaasahang pagbabago. Ganito rin ang nagaganap sa buhay natin. Sinabi ni Santiago, “Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas, pupunta kami sa isang bayan. Mamamalagi kami roon ng isang taon, magnenegosyo, at kikita ng malaki.” Sa katunayan, hindi n’yo alam kung ano ang mangyayari sa inyo bukas” (4:13-14).
Maraming mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay natin gaya na lamang ng hindi inaasahang pagpanaw ng isang tao, isang malubhang karamdaman o problemang pinansiyal.
Maraming mga bagay at pangyayari ang hindi natin inaakalang magaganap sa buhay natin. Ito ang dahilan kung bakit tayo binigyan ng paalala na huwag maging palalo (TAL. 16). Nararapat na bigyang halaga ang Dios. Sinabi rin ni Santiago, “Kung loloobin ng Panginoon at mabubuhay pa tayo, ganito o kaya ganoon ang gagawin natin” (TAL. 15). Hindi tayo sigurado sa mga maaaring mangyari sa buhay natin. Pero makakaasa tayo na palagi nating kasama ang Dios. Hindi Niya tayo pababayaan. Hindi Niya tayo iiwan.