Sa mga nangangabayo at sumasali sa mga kompetisyon na may kabayo, madalas silang makita—mga taong may apat na daliri sa isang kamay at isang umbok kung saan naroon dapat ang hinlalaki. Karaniwan itong pinsala sa mga ganitong laro—naiipit sa tali ang daliring ito at nahihila. Hindi naman ito dahilan para hindi na makasali sa laro ang sinumang mawalan nito, pero maraming binabago sa isang tao ang kawalan niya ng hinlalaki.
Habang kulang ang daliri niya, kailangan niyang magsepilyo, magbutones ng damit, magtali ng sapatos at kumain. Importanteng papel ang ginagampanan ng maliit at di napapansing bahagi na ito ng iyong katawan.
May itinurong kaparehong eksena sa iglesya si apostol Pablo. Iyong mga nakatago at hindi masalitang mga miyembro ay minsang nakakatanggap mula sa iba ng mga salitang “hindi kita kailangan” (1 CORINTO 12:21). Madalas hindi ito sinasabi nang direkta, pero may pagkakataon ding pinapahayag nang malakas.
Tinawag tayo ng Dios para magkaroon ng pantay na malasakit at respeto para sa isa’t isa (T. 25) Bawat isa sa atin ay bahagi ng katawan ni Kristo (T.27) anumang kaloob ang natanggap mo, at kailangan natin ang bawat isa. Ang iba sa atin ay mata at tenga, para makapagsalita, at ang iba ay hinlalaki. Pero lahat tayo ay gumaganap ng isang importanteng papel sa katawan ni Kristo, minsan higit pa sa nakikita ng ating mga mata.