Isang endurance athlete si Colin O’Brady, atletang ginagawa ang mga bagay sa loob nang matagal na panahon na hindi napapagod. Noong 2018, ginawa niya ang isang paglalakbay na puno ng pagpupunyagi at lakas ng loob: habang hila-hila niya ang isang kareta, mag-isa siyang naglakad sa malaking bahagi ng Antarctica, 932 milya sa loob ng 54 araw.
Ang sabi niya tungkol sa karanasan niya – naglakad nang malayo mag-isa sa malamig na lugar (maraming yelo sa Antarctica) – itinuon ko ang isip ko sa layunin habang ninanamnam ko rin ang mga aral na napupulot ko habang naglalakbay.
Katulad ng sinabi ni O’Brady ang pagtawag sa atin bilang sumasampalataya kay Jesus: nakatuon sa layuning mabuhay na kinararangal ang Dios at ipinapahayag Siya sa iba. Sinabi ni Pablo, isang taong sanay sa mapanganib na paglalakbay, “Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay magawâ ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing tinanggap ko mula sa Panginoong Jesus, ang pagpapahayag ng Magandang Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Dios para sa tao” (V.24 mbb).
Habang patuloy tayong naglalakbay sa buhay kasama si Jesus, isaisip sana natin ang layunin ng ating buhay at magpursigi hanggang sa araw na makaharap natin Siya.