Pagkatapos ng isang biglaang operasyon, patuloy ang pagdating ng mga bayarin kay Jason - galing sa doktor na nagbigay ng pampamanhid, nag-opera, laboratoryo, ospital. Ang himutok niya: Kahit may insurance na pangmedikal, may malaking bayarin pa rin kami sa doktor at ospital. Mabayaran lang namin ito, kuntento na ako. Ayaw ko nito na para akong naglalaro ng Whack-a-Mole, isang laro na kailangan pukpukin ang bigla-biglang naglalabasang plastic na hugis ulo ng daga.
Minsan parang ganyan din ang buhay natin. Sabi ni apostol Pablo naranasan din niyang mangailangan pero natutunan niyang mamuhay nang kontento sa kasaganaan man o sa hirap (V.12) dahil “Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo” (V.13).
Nung nagdadaan ako sa isang mahirap na sitwasyon, nabasa ko ito sa isang card: “Kung hindi dito, e saan?” Naging paalala ito sa akin na kung hindi ako makukuntento dito ngayon, paano ko masasabi na makukuntento ako kung iba ang sitwasyon ko.
Paano natin matututunan ipahinga ang sarili kay Jesus? Siguro depende ito sa pinagtutuunan natin ng pansin – ikinasisiya at pinasasalamatan ang mabubuting bagay sa buhay natin, lalu pang kinikilala ang matapat na Ama natin, pinalalago ang sarili sa tiwala at pagtitiis, tinatanggap na sa buhay na ito, ang Dios – at hindi ang sarili – ang sentro at pinakamahalaga.