Kahit na mahal ni Mary si Jesus - naging mahirap ang buhay niya. Naunang pumanaw ang dalawang anak at dalawang apo niya, mga biktima ng barilan. Na-stroke siya kaya di maigalaw ang kalahati ng kanyang katawan. Pero nang kaya na niya, nagsimba na agad siya at doon, kahit putol putol ang pagsasalita, nagpupuri siya sa Panginoon: “Iniibig ko si Jesus; papurihan ang pangalan Niya.”
Maraming taon bago papurihan ni Mary ang Dios, isinulat ni David ang Salmo 63 noong nasa desyerto siya ng Judah. Kahit pa hindi kaaya-aya ang kanyang sitwasyon at nasa panahon siya ng kagipitan, hindi siya nawalan ng pag-asa dahil ang Dios ang pagasa niya. “O Dios, kayo ang aking Dios. Hinahanap-hanap ko kayo. Nananabik ako sa inyo nang buong puso’t kaluluwa, na tulad ng lupang tigang sa ulan” (V.1).
Marahil ikaw din ay dumadaan sa hirap – hindi malinaw ang direksyon o limitado ang pinagkukunan para sa mga pangangailangan. Nakakalito talaga ang mga mahihirap na sitwasyon pero hindi ito makakahadlang kung nakakapit tayo sa Dios na nagmamahal sa atin (V.3), pumupuno sa atin (V.5), tumutulong sa atin (V.7), at umaalalay sa atin gamit ang Kanyang kanang kamay (V.8).
Dahil mas mahalaga pa ang pag-ibig ng Dios kaysa sa buhay, tulad ni Mary at David, maaari nating purihin at ikarangal ang Dios gamit an gating mga labi (VV. 3-5).