Dekada na ang magandang samaha ng mag-asawang sina Robert at Colleen. Bago pa sabihing “paki pasa ang palaman sa tinapay, naipasa na ito. Tamang-tama rin ang paglagay ng tubig sa baso habang nasa hapag kainan. Kapag nagkukwento, tinatapos ng isa ang sinasabi ng asawa. Nakakapayapa ng kalooban na lubos na kilala at pinagmamalasakitan tayo ng Dios, higit pa sa mga taong nakakakilala at nagmamahal natin.
“Magiliw” at “malambing” ang paglalarawan ni propeta Isaias sa relasyon sa darating na kaharian ng Dios at ng mga sumasampalataya sa Kanya. Sabi ng Dios, “Bago pa sila manalangin o habang sila’y nananalangin pa lang, sasagutin ko na sila” (V. 24).
Pero paano ang mga bagay na ilang taon nang ipinagdadasal na wala pang tugon hanggang ngayon? Naniniwala ako na habang mas lumalalim tayo sa relasyon natin sa Dios at naihahanay ang puso natin sa kalooban Niya, natututunan nating mas magtiwala sa Kanyang kalinga at panahon itinakda. Kapag nananalangin tayo, hinihiling din natin ang mga bagay na kasali sa kaharian ng Dios tulad ng nilalarawan sa Isaias 65: pagtatapos ng dalamhati (V.19), ligtas na tahanan at busog na tiyan at makabuluhang gawain para sa lahat ng tao (VV. 21-23), at kapayapaan ng kalikasan (V. 25).
Kapag dumating na ang kaharian ng Dios nang buong-buo, sasagutin na rin ng Dios ang mga panalangin na ito nang buong-buo.