Noong 1985 nakasuhan si Anthony Ray Hinton ng pagpatay sa dalawang tagapamahala ng restaurant. Milya-milya ang layo niya sa lugar ng krimen pero nahatulan siya ng kamatayan. Nagsinungaling kasi ang mga testigo, pero pinatawad sila ni Ray na nagsabing nananatili ang kagalakan niya kahit may kawalan ng hustisya.
Mahirap ang buhay ni Ray sa kulungan. Kumikislap ang mga ilaw tuwing may pinapatay sa silya elektrika (ito ang gamit para sa kamatayan ng nahatulan). Malupit na paalala ito sa sasapitin niya. Pumasa si Ray sa pagsusuri para tiyaking nagsasabi siya ng totoo pero isinantabi lang ang resulta. Isa lang ito sa kawalang hustisya na pinagdaanan niya sa pag-asam na mabuksan at malitis muli ang kaso niya.
Biyernes Santo taong 2015, binaliktad ng Kataas Taasang Hukuman ng Amerika ang hatol kay Ray. Patunay ang buhay ni Ray na mayroong Dios. Dahil sa pananampalataya niya kay Jesus, may pag-asa si Ray na lampas pa sa mga pagsubok na kinakaharap (1 PEDRO 1:3-5) at nakaranas siya ng higit sa karaniwang kaligayahan sa harap ng kawalan ng hustisya (V.8).
“Ang kaligayahan na meron ako hindi makukuha sa akin kahit na nasa kulungan ako” – patunay na tunay ang kanyang pananampalataya sa Dios (VV. 7-8). Tinuturo nito na nariyan pa rin ang Dios at laging handang umalalay sa atin sa panahon ng pagsubok kahit minsan di natin nakikita.