Tsundoku: salitang Hapon na tumutukoy sa patung- patong na libro sa mesa sa tabi ng higaan na naghihintay na mabasa. Gamit ang libro, puwedeng matuto at makarating sa ibang lugar at panahon. Nananabik ako sa kasiyahan at kaalamang nasa mga pahina ng libro, kaya ayun patung-patong ang mga ito sa mesa.
Lalo na ngang matatagpuan natin ang kasiyahan at tulong sa pinakamahalagang libro - ang Biblia. Makikita sa mga tagubilin ng Dios kay Josue na hinihikayat tayong ibuhos ang sarili sa Kautusan ng Dios.
Batid ng Dios ang hirap na haharapin ni Josue bilang bagong pinuno ng Israel na inatasang manguna sa kanila patungo sa lupang pinangako ng Dios sa mga Israelita (V.8) kaya sinabi Niya kay Josue, “Sasamahan kita” (V.5). Darating ang tulong kay Josue ayon din sa pagsunod niya sa mga kautusan ng Dios. Kaya bilin ng Dios, “Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito” (V.8). Kailangan ni Josue basahin nang taimtim ang Aklat ng Kautusan para maintindihan niya kung sino ang Dios at ano ang nais ng Dios para sa mga tao.
Kailangan mo ba ng katuruan, katotohanan, at pampatibay ng loob sa araw-araw? Maglaan ng panahon para magbasa, sumunod, at kumuha ng sustansya sa Banal na Kasulatan. Puwede natin namnamin ang nilalaman ng mga pahina nito (2 TIMOTEO 3:16).