Umakyat sa puno ang host ng The Life of Mammals, isang palabas sa telebisyon ng BBC sa Britanya, na si David Attenborough para tingnan ang “three-toed sloth,” isang hayop na mabagal kumilos at madalas nakasabit nang pabaligtad sa puno.
Binati niya ng “bulaga” nang nakaharap niya ito. Pero wala itong reaksyon kaya patawa na lang ni David na ganyan talaga – mabagal – kasi mga dahon na hindi mabilis matunaw sa tiyan at hindi masyadong masustansya ang kinakain ng sloth.
Sa isang pagsasalaysay ng kasaysayan ng Israel, pinaalala ni Nehemias ang isang dahilan ng pagiging mabagal pagdating sa galit. Inalala niya kung paano inalagaan ng Dios ang mga taong pinili Niya: binigyan sila ng batas na nagbibigay-buhay, mga pangangailangan nila habang naglalakbay, at pagbibigay sa kanila ng Lupang Pangako (VV.9-15). Patuloy silang minahal ng Dios kahit makailang ulit sumuway (V.16) dahil mahabagin, maalalahanin, hindi madaling magalit, at mapagmahal (V.17) ang Dios na lumikha sa atin kaya matiyagang tinanggap ang reklamo, pagdududa, at kawalan ng tiwala ng mga Israelita habang apatnapung taon sa disyerto.
Senyales ng nanlalamig na puso ang mabilis na pag-init ng ulo. Pero ang kadakilaan ng puso ng Dios ang nagbibigay sa atin ng puwang na matiyagang mabuhay at magmahal kasama Siya.