Bata pa si Jackson ay pangarap na niya ang maging US Navy Seal. Dahil sa ambisyong ito, lumaki siyang may disiplina sa katawan at hindi isinaalangalang ang sarili. Kalaunan ay humarap siya sa mga matitinding pagsubok ng lakas at tibay, kasama na ang tinatawag na “hell week” ng mga nagsasanay.
Hindi kinaya ng katawan ni Jackson ang nakakapagod na pagsasanay kaya kahit labag sa kanyang loob ang pinatunog niya ang kampanilya. Ito ang magsasabi sa kanyang kumander at mga kasamahan na aalis na siya sa programa. Para sa karamihan, para itong isang pagbagsak. Sa kabila ng matinding kabiguan, nakita din ni Jackson bilang paghahanda ang kanyang kabiguan sa buhay military para sa kanyang gawain.
Nakaranas din si apostol Pedro ng sariling kabiguan. Matapang niyang inihayag na magiging matapat siya kay Jesus hanggang sa bilangguan o kamatayan (LUKAS 22:33). Kalaunan ay matindi ang kanyang pag-iyak matapos niyang itinanggi na kilala niya si Jesus (B.60-62). Ngunit may mga plano ang Dios na higit pa sa kanyang pagbagsak. Bago itinanggi ni Pedro si Jesus, sabi ng Panginoon, “At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro, at sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya, at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan” (MATEO 16:18, TINGNAN DIN ANG LUKAS 22:31-32).
Pakiramdam mo ba ay hindi ka na karapatdapat magpatuloy dahil sa iyong kabiguan? Huwag mong hayaang ang alingawngaw ng pagkabigo ang maging dahilan upang hindi mo makamit ang mga dakilang plano ng Dios para sayo.