Habang papasok na ako sa aking garahe, kumaway ako sa aking kapitbahay na si Myriam at ang kanyang anak na si Elizabeth. Sa paglipas ng panahon, nasanay na si Elizabeth na tumatagal ang aming mga munting kwentuhan at nagiging pagtitipon na ito para manalangin.
Kaya umakyat na siya sa puno sa gitna ng kanilang bakuran, isinampa ang kanyang mga binti sa sanga, at naghanap ng mapag-aabalahan. Matapos ang ilang sandali, bumaba si Elizabeth at tumakbo kung saan kami nakatayo. Hinawakan niya ang aming mga kamay at tila umaawit, “Manalangin na naman tayo!” Sa mura niyang edad ay parang naiintindihan na ni Elizabeth kung gaano kahalaga ang pananalangin sa aming pagkakaibigan.
Pagktapos hikayatin ni Pablo ang mga mananapalataya na “magpakatatag…sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan” (EFESO 6:10), may binigay siyang mahalagang kalaaman tungkol sa patuloy na pananalangin. Inilarawan niya ang kinakailangang panangga ng mga pinabanal ng Dios sa kanilang paglalakbay kasama ang Dios na siyang nagbibigay ng proteksiyon, pang-unawa, at tiwala sa Kanyang katotohanan (B.11-17). Ngunit idiniin ni apostol Pablo na ang lakas na ito na bigay ng Dios ay nagmumula sa sadyang pagbabad sa panalangin, na isang kaloob na nagbibigay buhay.
Naririnig at may malasakit ang Dios sa ating mga pinagkakaabalahan—ito man ay sinasabi nang may lakas ng loob, tahimik na iniiyak, o nakatago sa pusong nasasaktan. Lagi siyang handa na gawin tayong malakas sa kanyang kapangyarihan habang inaayayahan niya tayong manalangin…nang paulitulit.