Sa edad na 53, hindi inaasahan ni Sonia na iiwan niya ang kanyang negosyo at bansa at maglakbay patungo sa panibagong bayan kasama ang ibang mga naghahanap ng kublihan. Matapos patayin ng mga gang ang kanyang pamangkin at pilitin ang kanyang 17 na taon niyang anak na sumali sa kanila, pakiramdam ni Sonia na ang pagtakas na lang ang maaari niyang gawin. “Nananalangin ako sa Dios…gagawin ko kung ano ang kailangan,” paliwanag ni Sonia. “Gagawin ko ang lahat para hindi kami mamamatay sa gutom [ng anak ko]…mas gugustuhin ko pang makita siyang nahihirapan dito kaysa matagpuan na lamang siya sa isang bag o kanal.”
May sinasabi ba ang Bibliya para kay Sonia at kanyang anak—o para sa maraming mga nakararanas ng kawalan ng hustisya at pagkawasak? Noong inihayag ni Juan na Nagbibinyag ang pagdating ni Jesus, inihayag niya rin ito kay Sonia, sa atin, at sa buong mundo. “Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon,” pahayag ni Juan (LUKAS 3:4). Iginiit niya na pagdating ni Jesus, gagawa Siya ng makapangyarihan at malawakang pagsagip. Ang salita sa Bibliya para sa ganitong pagsagip ay kaligtasan.
Kasama sa kaligtasan na ito ang paghilom ng ating mga pusong makasalanan—at balang araw, ang paglunas sa lahat nga kasamaan sa mundo. Ang gawain ng Dios ay nakapagbabago ng bawat kwento at bawat kalakaran ng tao. At ang lahat ay maaaring makuha ito. “At makikita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Dios,” sabi ni Juan (B.6).
Ano man ang kasamaan na ating hinaharap, tiyak na makikita natin ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus. Balang araw mararanasan natin ang kanyang ganap na pagpapalaya.