Nung magdalaga yung anak naming, binigay namin sa kanya yung talaarawan na sinusulatan naming tungkol sa kanya simula nung pinanganak siya. Nakasulat doon mga gusto at ayaw niya, mga kakaibang gawain, at mga hirit. Kalaunan ay parang naging mga sulat na yung mga ginagawa namin. Inilarawan naming kung ano ang napapansin namin at kung paano namin nakikitang gumagalaw ang Dios sa kanyang buhay. Namangha siya nung binigay namin iyon sa ika-13 niyang kaarawan. Nabiyayaan siya ng kaalaman tungkol sa mahahalagang bahagi ng kanyang pagkatao.
Sa simpleng pagbasbas sa tinapay, ipinakita ni Jesus ang katangian nito. Isinalamin nito ang kaluwalhatian ng Dios, gaya ng buong sanlibutan. Naniniwala akong itinuturo ni Jesus kung ano ang mangyayari sa mundo dito sa lupa. Ang buong sanlibutan ay mapupuno ng kaluwalhatian ng Dios. Kaya sa kanyang pagbasbas sa tinapay (MATEO 26:26), ipinakakita ni Jesus ang pinanggalingan at pupuntahan ng sanlibutan (ROMA 8:21-22).
Siguro pakiramdam mo ay magulo ang simula ng iyong kwento. Siguro iniisip mo na wala ka nang kinabukasan. Pero may malawak na kwento. Ito ang kwento ng Dios nga sadya kang nilikha at may layunin para sa paglikha sayo. Nagagalak Siya sayo. Ito ang kwento ng Dios na dumating upang iligtas ka (MATEO 26:28).
Ito ang Dios na nagbibigay ng kanyang Banal na Espiritu upang mabago ka at maibalik ang tunay mong pagkakakilanlan. Ito ang Dios na nais pagpalain at basbasan.