“Salamat sa hapunan, Tay,” sabi ko pagbaba ko ng tisyu sa mesa ng restawran. Nakauwi ako dahil bakasayon sa kolehiyo at dahil matagal akong Nawala, nanibago ako na may ibang nagbabayad para sa akin. “Walang anuman, Julie” sagot ng tatay ko. “Pero di mo kailangang magpasalamat sa lahat ng panahon. Alam kong nagsasarili ka na pero anak pa rin kita at bahagi ka ng pamilya.” Ngumiti ako. “Salamat, Tay.”
Sa aking pamilya, wala akong ginawa para mahalin o alagaan ako ng aking mga magulang. Ngunit ang puna ng tatay ko ay nagpapaalala sa akin na wala din akong ginawa upang maging bahagi ng pamilya ng Dios.
Sa sulat para sa mga taga-Efeso, sabi ni Pablo sa kanyang mga mambabasa na pinili sila ng Dios para “para maging banal at walang kapintasan sa paningin niya” (1:4). O hindi kaya ay upang maiharap sa Kanya na walang dungis (5:25-27). Nagagawa lang ito dahil kay Jesus na “sa kanya’y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya” (1:7, ANG BIBLIA). Hindi natin kailangan pagtrabahuan ang Kanyang biyaya, kapatawaran, o ang pagpasok sa Kanyang pamilya. Kailangan lang natin tanggapin ang Kanyang regalo!
Kapag isinuko natin ang ating buhay kay Jesus, nagiging anak tayo ng Dios. Ibig sabihin nito ay nagkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan at mana na naghihintay sa atin sa langit. Purihin ang Dios sa pag-alok sa isang napakabuting biyaya!