Napabuntong-hininga ako sa dami ng dapat gawin. At hindi ko alam kung makakaya ko ba itong matapos lahat sa itinakdang oras. Tumawag naman ang kaibigan ko para palakasin ang aking loob. Sinabi niya, “Kailangan mong bigyangpansin ang iyong sarili.” Tapos, sinabi niya na kailangan kong panatilihing maayos ang kalusugan ko, pagsusulat, at pagdalo sa pag-aaral ng Salita ng Dios. Nais kong gawin ang lahat ng ito para Dios. Pero sa halip, mas nakatuon ako sa ginagawa ko kaysa sa kung paano ko ito gagawin.
Pinapaalalahanan naman ni Apostol Pablo ang mga sumasampalataya kay Jesus na taga Colosas na mamuhay sa paraang naluluwalhati ang Dios. Ipinapaalala rin ni Pablo na mahalaga sa panahon na ginagawa natin ang mga trabaho ay naipapakita natin ang katangian ni Jesus na isang “mapagmalasakit, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis” (COLOSAS 3:12). Sikapin din nating maging mapagpasensiya, mapagmahal at nagpapatawad kaninuman (T. 13-14).
Gawin natin ang lahat ng bagay na ito bilang mananampalataya ni Cristo Jesus (T. 17). Kaya naman, dapat sa panahon ng pagtatrabaho makikita ng iba ang magagandang katangian ni Jesus sa ating buhay bilang mga mananampalataya.
Mahalaga ang ginagawa natin. Pero mas mahalaga na ang Dios ang napapapurihan sa ating paggawa. Sa bawat araw, maaari nating piliing magtrabaho sa isang nakaka-stress na paraan o sa paraang napaparangalan si Jesus. Kung pipiliin nating mamuhay ayon sa nais ng Dios, makakasumpong tayo ng kagalakan na nagmumula sa Kanya.