lang taon na ang nakakalipas, nakatanggap ang asawa ko ng rebate mula sa kanyang binili. Sa pagkakataong din iyon ay ikinuwento sa kanya ng kaibigan niya ang tungkol sa mga kakabaihan na taga ibang bansa na nangangailangan ng pinansiyal na tulong para sa kanilang kabuhayan.
Nang makuha ng asawa ko ang rebate, nag-loan din siya o humiram ng pera sa isang ministeryo na tumutulong sa mga kababaihang iyon. Ilang ulit siyang nag-loan para patuloy na kumita ang ministeryong iyon. Maraming bagay ang nagpapasaya sa asawa ko pero labis ang dulot na saya para sa kanya kapag nababalitaan niya ang malaking pagbabago sa buhay ng mga tinutulungan niyang mga kababaihang iyon na hindi pa niya nakikita nang personal.
Madalas nating marinig ang pagbibigay-diin sa talatang, “Mahal ng Dios ang mga nagbibigay nang may kagalakan” (2 CORINTO 9:7). Ganoon dapat tayo kapag nagbibigay. Hindi tayo dapat magbigay dahil lamang sa napilitan tayo kundi gawin natin ito nang walang pag-aatubili.
Tandaan natin na ang naghahasik ng kaunti ay umaani ng kaunti at umaani naman ng marami ang naghahasik ng marami (TAL. 6-7). Magkakaiba man ang uri ng ating pagbibigay, makikita sa ating mga mukha kung masaya tayong nagbibigay.