Narinig ng mga tao ang magandang boses ni Emily Blunt sa pelikulang Mary Poppins Returns. Nadiskubre lamang ng asawa ni Emily ang talento nito sa pagkanta sa ikaapat na taon ng kanilang pagsasama. Nang marinig niya sa unang pagkakataon ang boses ni Emily, namangha siya.
Madalas na may nadidiskubre tayong bago tungkol sa ibang tao na minsa’y hindi natin inaasahan. Sa Aklat ng Marcos, kakaunti lang ang nalalaman ng mga tagasunod ni Jesus tungkol sa Kanya hanggang sa naihayag ni Jesus kung sino Siya noong nasa laot sila sa Lawa ng Galilea. Nakita nila noon ang pagiging makapangyarihan ni Jesus at ang pagkakaroon Niya ng kontrol sa kalikasan.
Matapos naman pakainin ni Jesus ang mahigit sa 5,000 tao, pinauna na Niya ang Kanyang mga tagasunod sa kabila ng lawa kung saan nagkaroon ng malakas na bagyo. At nang sila’y nasa laot, natakot sila nang may makita silang naglalakad sa ibabaw ng tubig. Ngunit, narinig nila ang pamilyar na boses ni Jesus na nagsabing, “Ako ito! Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob” (MARCOS 6:50). Pagkatapos, pinakalma Niya ang malakas na hangin. Nang masaksihan at maranasan nila ang dakilang kapangyarihan ni Jesus, “namangha sila nang husto” (TAL. 51) kahit hindi pa rin nila ito lubusang maunawaan.
bang nararanasan natin ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapakalma Niya ng mga bagyo sa ating buhay. At dahil doo’y lubos din tayong mamamangha.