Isa ang North Lawndale sa Chicago sa mga unang komunidad na may nakatirang iba’t ibang lahi. Bumibili ang mga Aprikanong-Amerikano ng mga bahay na nakapaloob sa kontrata. Dahil nakakontrata lamang ang mga bahay, maaaring mawalan ng tahanan ang isang bumili kapag hindi niya nabayaran ang buwanang upa rito. May ibang mapagsamanatala naman na pinauupahan ang mga bahay sa mataas na presyo. Dahil dito, hindi makabayad ang mga nangungupahan. Palalayasin sila dahil hindi sila makapagbayad. Dahil sa kasakiman ng ilan, nagiging paulit-ulit ang ganitong senaryo.
Sa Biblia naman, itinalaga ni Samuel ang mga anak niya bilang hukom ng bayan ng Israel. Pero sakim ang mga ito. Hindi sumunod ang mga anak ni Samuel sa yapak niya (1 SAMUEL 8:3).
Naging mapagsamantala ang mga ito. Ginamit nila ang posisyon nila para sa kasakiman. Hindi naibigan ng Dios ang pagsuway nila. Nagpadala ang Dios ng mga hari para pamunuan ang bayan ng Israel na mababasa sa lumang tipan (TAL. 4-5).
Nagbubunga ng kabuktutan at kawalan ng katarungan ang hindi pagsunod sa nais ng Dios. Ang pagsunod sa Dios ay hindi lang sa salita kundi sa gawa rin. Dahil sa pagsunod na ito, makikita ng kapwa natin ang kadakilaan ng Dios. Sila rin naman ay magpupuri sa Dios nang dahil sa halimbawang ipinamalas natin.