Takip-silip noon at sinusundan ko ang kaibigan kong si Li Bao sa kanyang paghakbang habang umaakyat kami sa isang bundok sa China. Hindi ko makita ang tinatahak naming daan at masyado itong matarik. Hindi ko rin alam kung saan kami papunta at kung gaano pa ito kalayo. Gayon pa man, lubos ang tiwala ko sa aking kaibigan.
Parang katulad ko noon si Tomas, ang tagasunod ni Jesus na tila laging nangangailangan ng katiyakan. Nagtanong si Tomas nang sabihin ni Jesus sa mga tagasunod Niya na kailangan Niyang umalis upang maghanda ng lugar para sa kanila at alam na nila ang daan papunta sa pupuntahan Niya (JUAN 14:4). Sinabi ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan Kayo pupunta, paano po namin malalaman ang daan?” (TAL. 5).
Hindi naman pinawi ni Jesus ang alinlangan ni Tomas sa pamamagitan ng pagpapaliwanag kung saan Niya sila dadalhin. Binigyang katiyakan lang ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod sa pagsasabing Siya mismo ang daan papunta roon. At iyon ay sapat na.
May mga tanong din tayo tungkol sa mangyayari sa atin sa hinaharap at wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng mga detalye. Marami ding puwedeng mangyari na hindi natin inaasahan. Pero ayos lang iyon, sapat nang nakatitiyak tayo na si Jesus “ang daan, ang katotohanan, at ang buhay” (TAL. 6).
Alam ni Jesus kung ano ang susunod na tatahakin natin. Nais lang Niya na magtiwala tayo sa Kanya at lumakad na malapit sa Kanya.