S ina Jim at Jamie Dutcher ay mga tagagawa ng pelikula at kilala sa kanilang kaalaman tungkol sa mga asong-lobo. Ayon sa kanila, kapag masaya ang mga asong-lobo, winawagayway ng mga ito ang kanilang buntot at nakikipaglaro. Pero kapag may namatay naman na isa sa kanilang grupo, ipinapakita nila ang kanilang pagdadalamhati sa pamamagitan ng pagbaba sa kanilang buntot at pag-aalulong.
Lahat tayo ay nakakaranas ng pagdadalamhati tulad ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay. Naranasan din ito ni Maria na taga-Magdala. Isa siya sa mga tumutulong sa mga pangangailangan ni Jesus at madalas sumama kay Jesus at sa mga tagasunod Niya (LUCAS 8:1-3). Ngunit pinaghiwalay sila ng kamatayan ni Jesus.
Ang huling magagawa na lamang ni Maria para kay Jesus ay ang pahiran ang bangkay nito ng mga langis pero naantala iyon dahil sa Araw ng Pamamahinga. Ano kaya ang naramdaman ni Maria nang makarating siya sa libingan ay hindi ang bangkay ni Jesus ang nadatnan Niya kundi ang muling buhay niyang Tagapaglitas? Agad na napalitan ng kagalakan ang kanyang pagdadalamhati. May magandang maibabalita si Maria, “Nakita ko ang Panginoon!” (JUAN 20:18)
Naparito si Jesus sa ating madilim na mundo upang bigyan tayo ng kalayaan at buhay. Ang Kanyang muling pagkabuhay ay pagdiriwang sa katotohanan na natupad Niya ang dapat Niyang gawin. Tulad ni Maria, ipagdiwang din natin ang pagkabuhay na muli ni Jesus at ipahayag din natin ang Magandang Balita na buhay Siya! Alleluia!