Si Debbie ay nagmamay-ari ng isang negosyo na naglilinis ng mga bahay. Minsan, habang naghahanap siya ng mga bagong kliyente, nakausap niya sa telepono ang isang babae. Sinabi nito na hindi niya kayang bayaran ang serbisyo nila Debbie dahil kasalukuyan siyang nagpapagamot sa sakit na kanser. Dahil doon, pinasimulan ni Debbie ang isang organisasyon kung saan tumanggap sila ng mga donasyon sa iba’t ibang kumpanya para maserbisyuhan nang libre ang mga may sakit na kanser. Sinabi ng isang babae pagkatapos linisin ang kanyang bahay, “Sa unang pagkakataon, naniniwala ako na malalabanan ko ang aking kanser.”
Kung mayroon tayong pinagdaraanang pagsubok sa buhay, malaki ang naitutulong sa atin ng pagpapakita ng suporta at malasakit ng ibang tao. Higit na nagpapatatag sa ating loob at nagbibigay sa atin ng pag-asa ang malaman na kasama natin ang Dios at lubos Siyang nagmamalasakit sa atin. Ipinapaalala sa atin sa Salmo 46 na, “Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan.
Siya’y laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan” Sinabi rin ng Dios, “Tumigil kayo at kilalanin ninyo na Ako ang Dios...Ako’y papupurihan sa buong mundo. Kasama natin ang Panginoong Makapangyarihan” (TAL. 1, 10, 11).
Magiging matatag ang ating loob at mapupuno ng pag-asa ang ating mga puso sa mga panahong dumaranas tayo ng mga pagsubok kung lagi nating aalalahanin ang mga pangako ng Dios at ang katotohanang lagi Niya tayong sasamahan.