Dumalo ako kamakailan sa isang highschool graduation kung saan nagbigay ng hamon ang tagapagsalita sa mga magsisipagtapos. Ayon sa kanya, ito ang panahon kung saan maraming nagtatanong sa kanila ng: “Anong plano mo?” “Anong kursong kukunin mo sa kolehiyo? “Saan ka mag-aaral o magtatrabaho?” Pero idinagdag ng tagapagsalita na ang pinakamahalagang tanong para sa kanila ay kung ano ang ginagawa nila sa ngayon?
Kung pag-uusapan naman ang buhay pananampalataya ng mga mag-aaral, ano kaya ang mga pang araw-araw na desisyon at plano na dapat nilang gawin para mamuhay nang ayon sa nais ni Jesus?
Naalala ko ang aklat ng Kawikaan dahil sa mga hamon ng tagapagsalita. Nasusulat dito ang kahalagahan ng pamumuhay sa ngayon. Ilan dito ang: pagiging tapat, ngayon (11:1); pagpili ng mga mabubuting kaibigan, ngayon (12:26); pamumuhay ng matuwid, ngayon (13:6); pagkakaroon ng tamang pagpapasya, ngayon (13:15); pagiging mahinahon sa pagsasalita, ngayon (14:3).
Nararapat na mamuhay tayo sa ngayon nang ayon sa kalooban ng Dios. Kung gagawin natin ito, magiging maayos ang buhay natin pati ang ating hinaharap. “Sapagkat ang Panginoon ang nagbibigay ng karunungan...Iniingatan Niya ang namumuhay nang matuwid...Binibigyan din Niya sila ng katagumpayan. Tulungan nawa tayo ng Dios na mamuhay nang tama sa ngayon. Ang biyaya Niya rin ang magiging gabay natin para sa kinabukasan.