Nahihirapan si Vicki na mag-ipon para makabili ng bagong kotse. Hindi na kasi magagawa ang kotse niya dahil malaki ang naging sira nito. Nang malaman ito ni Chris na regular na kostumer sa restawran na pinagtratrabahuhan ni Vicki, hindi maalis sa isip niya ang tumulong. Kaya naman, binili ni Chris ang lumang kotse na ipinagbibili ng kanyang anak at ipinagkaloob niya ito kay Vicki. Gulat na gulat si Vicki at hindi siya makapaniwala sa ginawang kabutihan ni Chris.
Pinaalalahanan naman tayo ng Biblia na mamuhay nang bukas palad at malayang magbigay sa abot ng ating makakaya sa mga nangangailangan. Sinabi ni Apostol Pablo kay Timoteo na lingkod ni Jesus, “Turuan mo silang gumawa ng mabuti, maging mayaman sa mabubuting gawa, at mapagbigay at matulungin sa kapwa” (1 TIMOTEO 6:18).
Sa pamumuhay natin nang may bukas, bukal at mapagbigay na puso, wala tayong dapat ikatakot na magkulang sa ating mga pangangailangan. Sa halip, ayon sa Biblia kapag tayo ay naging mahabagin at mapagbigay sa ating kapwa ay matatamo natin ang tunay na buhay (TAL. 19).
Sa tulong Dios, ang kahulugan ng tunay na pamumuhay ay ang paglimot ng ating sarili at ng kung ano ang mayroon tayo at malayang pagbibigay nito sa iba.