Habang pinagmamasdan ng aking mga anak ang lumang litrato ng aking ama, pasulyap-sulyap din sila sa akin. Sinabi nila, “’Tay, kamukhang- kamukha mo si Lolo noong bata pa siya!” Napangiti kaming dalawa ng aking ama. Matagal na naming naririnig ang ganoong komento pero ngayon lang ito napagtanto ng aking mga anak. Kahit magkaibang-tao kami ng tatay ko, kapag nakita nila ako, para bang nakita na nila ang tatay ko noong mas bata pa siya. Kaya naman, masasabi talaga ng iba na anak ako ng tatay ko kasi magkamukha kami.
May pagkakataon din naman na sinabi ni Felipe na isa sa mga tagasunod ni Jesus, “Panginoon, ipakita N’yo po sa amin ang Ama” (JUAN 14:8). Sinagot naman ni Jesus si Felipe, “Ang nakakita sa Akin ay nakakita na rin sa Ama” (TAL. 9). Sinabi pa Niya, “Hindi ka ba naniniwala na Ako ay nasa Ama at ang Ama ay nasa Akin?” (TAL. 10).
Magkatulad si Jesus at ang Dios Ama hindi sa pisikal na pagkakapareho na tulad namin ng tatay ko. Sa halip, ang kalikasan at katangian ni Jesus ay katulad ng sa Dios Ama.
Sa mga pagkakataong iyon, ipinararating ni Jesus sa Kanyang mga minamahal na tagasunod at sa atin rin na kung nais nating makilala ang Dios, tumingin tayo sa ating Panginoong Jesus.