Nagpapastor si Jose sa isang kalipunan ng mga sumasam- palataya kay Jesus na kilala sa mga masiglang programa nito at sa mga ginagawa nilang palabas sa teatro. Mahu- husay ang mga mananampalataya roon pero nag-aalala si Jose baka sa mga aktibidad lamang nakatuon ang puso’t isip at hindi sa pagsamba sa Dios. Gustong malaman ni Jose ang buhay espirituwal na kalagayan ng mga mananampalataya. Kaya naman, nagdesisyon si Jose na itigil muna sa loob ng isang taon ang ginagawa nilang teatro at iba pang programa upang ituon lamang sila sa pananalangin at pagsamba sa Dios.
Parang labis ang ginawang desisyon ni Jose, pero pagbulayan natin ang ginawa naman noon ni Jesus sa labas ng templo. Naging parang lugar ng pagnenegosyo at kaguluhan ang templo noon na sana ay isang lugar na dalanginan ng mga tao. Kaya naman, nagalit si Jesus sa kanilang ginawa kaya binaligtad ang mesa ng mga nagtitinda roon.
Binanggit pa ni Jesus ang sinabi sa Isaias 56 at Jeremias 7: “Hindi ba’t sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay magiging bahay-panalanginan ng lahat ng bansa’? Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan” (MARCOS 11:17). Ang lugar na dapat sumamba ang tao sa Dios ay naging pamilihan upang kumita ng pera.
Walang namang masamang magnegosyo at maging abala para kumita ng pera. Pero hindi iyon ginagawa sa ating mga sambahan. Tayong mga nagtitiwala kay Jesus ay templo ng Dios at ang pangunahing nating tungkulin ay ang sambahin Siya.