Noong 1990, pinangunahan ni Peter Welch ang mga tao sa iba’t ibang dako ng mundo sa paghahanap ng mga iba’t ibang bagay gamit ang metal detector. Marami silang nahukay tulad ng mga sinaunang mga bagay. Nakatulong din ang computer program na Google Earth sa pagsasaliksik nilang ito. Sinabi ni Peter, “Nagbibigay ng panibagong pananaw ang makita ang mundo mula sa itaas.”
Kinailangan din ng mga Israelita noong panahon ni Propeta Isaias ang pananaw na mula sa Dios. Ipinagmamalaki kasi noon ng mga Israelita na mamamayan sila ng Dios pero suwail naman sila at hindi nila isinusuko ang kanilang mga dios-diosan. Pero iba ang pananaw ng Dios. Sa kabila ng kanilang pagrerebelde, ililigtas pa rin sila ng Dios mula sa pagkakabihag sa Babilonia. Sinabi ng Dios, “Gagawin Ko ito para sa Aking karangalan.
Hindi Ako papayag na Ako ay mapahiya at ang mga dios-diosan ay maparangalan” (ISAIAS 48:11). Sa pananaw ng Dios, ang layunin ng ating buhay ay para luwalhatiin Siya at hindi ang ating mga sarili. Kaya naman, dapat nating ituon ang ating atensyon sa Dios at ipahayag sa mga tao na dapat Siyang purihin.
Ang bigyang karangalan ang Dios sa araw-araw ang siyang magbibigay sa atin ng magandang pananaw sa buhay. Siya lamang ang nakakaalam kung ano pa ang madidiskubre natin tungkol sa Kanya at kung ano ang plano Niya para sa atin. Ituturo Niya kung ano ang makakabuti sa atin at Siya ang mangunguna sa atin sa daang dapat nating tahakin (TAL. 17).