Nang makulong si John, iniisip niya na mabuti naman siyang tao. Nagpapatakbo noon si John ng pinakamalaking brothel sa London kung saan nagaganap ang prostitusyon. Minsan, nagpasya siyang dumalo sa isang Bible study para lamang sa pagkain pero iba ang naramdaman niya nang makita kung gaano kasaya ang mga bilanggong naroon. Naiyak siya nang makarinig ng awit at kalaunan ay nakatanggap siya ng Biblia.
Malaki ang naging epekto sa kanya ng sinasabi sa aklat ng Ezekiel, “Pero kung ang taong masama ay tumigil sa paggawa ng masama at gumawa ng matuwid at tama, maililigtas niya ang buhay niya. Dahil inamin niya ang kasalanan niya at pinagsisihan ito, hindi siya mamamatay at patuloy na mabubuhay” (1:27-28). Naging buhay kay John ang Salita ng Dios at napagtanto niyang hindi siya mabuti. Sinabi niya, “Nakilala ko ang Panginoong Jesus at binago Niya ako.”
Ang nabasa niyang iyon sa Ezekiel ay para sa mga Israelita na kasalukuyang bihag noon. Nais ng Dios na talikuran nila ang kanilang mga kasalanan at sila’y “magbagong puso at magbagong diwa!” (TAL. 31 abab). Nakatulong ang mga talatang iyon kay John upang “magsisi” at “mabuhay” (TAL. 32) habang nagtitiwala kay Jesus na siyang tumatawag sa mga makasalanan na magsisi (LUCAS 5:32).
Nawa’y tumugon tayo sa udyok ng Banal na Espiritu kapag tayo’y nagkakasala upang maranasan din natin ang kapatawaran at kalayaan na nagmumula kay Jesus.