Naglalakad si Kelsey sa masikip na pasilyo ng eroplano habang hawak ang kanyang 11-buwang anak na si Lucy at ang oxygen machine nito papunta sa kanilang upuan. May sakit sa baga si Lucy at nagbiyahe sila para ipagamot siya. Nang makaupo na sila, nilapitan sila ng flight attendant upang sabihin na may pasahero sa first class ang nakikipagpalit ng upuan sa kanila. Naiyak sa tuwa at pasasalamat si Kelsey habang papunta sa mas maluwag na puwesto sa eroplano.
Ipinakita ng pasaherong tumulong kina Kelsey ang pagiging mapagbigay na nais ni Pablo na maipakita ng mga mana- nampalataya ni Cristo. Sinabi ni Pablo sa kanyang sulat kay Timoteo na turuan niya ang mga nasa ilalim ng kanyang pangangalaga na “gumawa ng mabuti, maging mayaman sa mabubuting gawa, at mapagbigay at matulungin sa kapwa” (1 TIMOTEO 6:18).
Sinabi rin ni Pablo na huwag maging mayabang ang mga mayayaman at huwag umasa sa kanilang kayamanan. Sa halip, hinihikayat niya silang maging mapagbigay at handang maglingkod sa kapwa.At maging mayaman sa paggawa ng mabuti tulad ng ginawa ng pasahero para kina Kelsey.
Mayaman man tayo o mahirap, maaari pa rin tayong maging mapagbigay sa pamamagitan ng pagbabahagi sa ating kapwa ano man ang kaya nating maibigay. Kapag ganoon ang ginawa natin, mararanasan natin ang buhay na ayon sa kagandahang- loob ng Dios (TAL. 19).