Ilang taon na ang nakakaraan, bumisita kami ni Carolyn sa isang maliit na simbahan. Habang ginaganap ang pana- nambahan, isang babae ang nagsimulang sumayaw. May iba rin na sinamahan siyang sumayaw. Nagkatinginan kami ni Carolyn at tila nagkaintindihan kami na hindi kami sasali sa pagsasayaw. Hindi kami kumportable dito dahil ganito ang uri ng pagsamba sa simbahang pinanggalingan namin.
Hindi rin naman naging kumportable ang mga nakakita sa pagbuhos ni Maria sa mamahaling pabango sa paa ni Jesus bilang pagsamba nito sa Kanya (MARCOS 14:1-9). Para sa kanila, malaking kasayangan ito dahil isang taong suweldo ang katumbas na halaga ng pabangong iyon. Pinagalitan ng mga alagad ni Jesus si Maria at maaaring natakot siya sa kung ano ang magiging tugon ni Jesus.
Pero nasiyahan si Jesus sa pagpapakita ng pagmamahal at pagsamba ni Maria sa kanya na maaaring ituring ng iba na hindi praktikal. Ipinagtanggol siya ni Jesus sa mga alagad. Sinabi ni Jesus, “Bakit n’yo siya ginugulo? Mabuti itong ginawa niya sa Akin” (TAL. 6).
Iba-iba ang uri ng pagsamba na nagpapakita ng ating taos- pusong pagmamahal sa Panginoong Jesus - may pormal, hindi pormal, tahimik at may masayang nagsasayawan. Anumang uri ito, karapat-dapat ang Dios na tanggapin ang lahat ng ating papuri’t pagsamba sa Kanya na nagmumula sa ating mga puso.